Saturday, January 29, 2011

UST at 400 : Feels Good to be Home!

The happiest and most meaningful years of my life were my years spent at UST.  My dreams were built and realized in this hallowed ground in Espana Ave.  Who I am and what I am today I owe a lot to my parents, and to my education at the Royal, Pontifical, and Catholic University of Santo Tomas.  And as a fitting tribute and gratitude to my Alma Mater, I “went home” last night as its celebrated its 400th year.  Memories were re-lived and old acquaintances were encountered.  I used “went home” since for 9 years UST had been my second home and I had no regrets being a part of UST, with all its rich history, tradition and track record of excellence.
Arch of the Centuries: The Gateway to the Greatest Breed of Individuals
Unending Grace
 I was never elated for a long time until I set foot once again at the UST Campus last night.  It was really like coming home more than visiting a loved one.  And as I walked through the fields, grounds, sheds and hallways of my Alma Mater, I can’t help but remember how I used to exist in this vast space along Espana Ave.  I traced back old routines, visited the places I used to spend my breaks on,  and met people who had been part of my years at UST.  From my former mentors, to previous casual acquaintances, to my old classmates, and to my former colleagues at the UST Hospital.   It was also a delight to see Thomasians from all walks of life and from different generations gather to celebrate this special period in UST’s and every Thomasian’s history.  I also appreciate the new developments this campus had undergone. The traffic I encountered  and all the anxiety of going there was really worth it.   Not everyone gets to experience a Quadricentennial in their lifetime. And I was fortunate that I am still alive when UST celebrated it.
Thomasian Physician
I will forever be in gratitude to this institution.  I would not have been a physician today if not for the educational grant I received from no less than the premiere medical school in the country, the UST Faculty of Medicine and Surgery.  During those times, just as when I thought the dreams I built was in danger of being shattered for good, the kind hearts of UST and Thomasian alumni gave me hope.  And through hardwork and determination, I was able to become the Thomasian physician I dreamed to be.  For that, I vowed to myself to give back to my Alma Mater someday, to the best of my capabilities.   That promise is one of my motivations to get through my present endeavour.
In Beauty, and Truth, and Virtues
UST has taught me to appreciate the BEAUTY of every endeavour of the soul.  It had shown to me the TRUTH behind the different sciences which I got involved in.  And most especially, it had instilled in me the VIRTUES of a truly holistic and Christian education.  Its UNENDING GRACE drives every Thomasian to achieve and to excel, and to accept defeat with honor.   I really hope other Thomasian alumni,  new Thomasians, and even transferee Thomasians, would be as proud as I am of our beloved UST.  There’s nothing not to be proud of.  Our rich history and tradition, our excellence in the different professional fields, our distinguished alumni, our most beautiful campus, and yes even our dominance in the UAAP are enough reasons for us to be proud of being a Thomasian.  UST has done, is doing and will be doing its part, but it’s also our responsibility to make UST proud of us.

UST @ 400



VIVA SANTO TOMAS!
GO USTE!   GO USTE!  GO USTE!  GO GO GO GO!

Monday, January 24, 2011

UST Hymn: In Beauty, And Truth, And Virtues.....Imbued with Unending Grace

"Keep us in Beauty, and Truth, and Virtues Impassioned Embrace.
Ever your Valiant Legions, Imbued with Unending Grace."

These are my favorite lines from my beloved Alma Mater's hymn, the Hymn of the Royal, Pontifical, and Catholic University of the Philippines, the University of Santo Tomas.  For these lines define what UST envisions its students and alumni to be. Enlightened in the Beauty of the Arts, In the Truth of the Sciences, and in the Virtues of a truly Catholic Education.  Forever showered with Grace, in every triumph and achievement, and the same Grace to accept every defeat or debacle. 



The UST Hymn is not merely a hymn to exalt an institution; if you would notice, unlike other college hymns, it does not mention the name of the school or even the word Alma Mater on its words.  It is universal and it would like Thomasians to share the message to non-Thomasians.  Furthermore, it is a prayer asking our Almighty God for guidance and enlightenment in our quest for academic, personal, professional and spiritual excellence.  The lines of this hymn and prayer should be the driving force of every Thomasian in  every endeavor.  Like our national anthem, our UST Hymn is part of our identity as Thomasians.  And it should be inherent in every Thomasian to sing the UST Hymn with gusto. 

                          

Sadly, the truth is not all Thomasians know the lyrics of the hymn, some even not aware of the melody, and worse some don't even bother knowing the message of the hymn.  A great proportion does not even bother singing it at all during events and even at the UAAP Games.  It is quite disappointing that some Thomasians, despite their 4 or more years of stay at the university were not able to at least memorize the melody and lyrics of the UST Hymn.  I've encountered quite several people who have graduated already from UST without even knowing how to sing our hymn.  I may forgive those who have spent quite a number of years at another institution but "through and through" Thomasians have no excuse not knowing this.  But let me lambast those who have memorized their other school hymns but did not bother singing the UST hymn during their stay at the University.  I just simply don't get it.

The hymn is as easy to pick-up as the national anthem and yet the same people were not able to at least know the melody.  And yet these people can memorize and sing Justin Bieber, Akon and Taylor Swift songs with ease.  More shameful are people who don't even stay during the singing of the hymn.  These are evident during UAAP Games as I have noticed.  When the Growling Tigers win, many sing it but a few people leave before the hymn is sung.  When the Tigers lose, only a few people sing and a great majority leave before the hymn is sung.  If they don't know how to sing it, them they might as well could have stayed as a sign of respect and honor to the University. 

It;s not too late to learn the UST Hymn.  Especially now that our beloved UST will be celebrating its Quadricentennial.  The lyrics are provided below and I embedded a video too.  Isn't it embarassing when you consider yourself a Thomasian and  when other people ask you to sing your school hymn , you don't even know the melody?!

The UST Hymn

God of All Nations
Merciful Lord, of our restless being
Sweep with your golden lilies,
This fountain of purest light.
Trace with the sails of the galleons,
The dream beyond our seeing.
Touch with the Flame of your kindness,
The gloom of our darkest night.
Keep us in beauty, and truth, and virtues,
Impassioned embrace
Ever your valiant legions,
Imbued with Unending Grace


VIVA SANTO TOMAS!  VIVA LA LIGA EL TOMASINO!


Friday, January 21, 2011

90s Flashback: Sarsi TV ad (Angat sa Iba!)

True to its tagline, this TV ad is really "Angat sa Iba." This is indeed one of the best TV ads ever-produced not only in the 90s but in Philippine Advertising history.  It combined a truly Filipino sophisticated melody with a storyline which was well ahead of its period.  This is really Filipino advertising at its finest.  And if I remembered it right, it was the Maestro, Ryan Cayabyab who composed the jinge for this ad.  So definitely, this ad is not your ordinary, cheesy, annoying  everyday TV ad.  Bright minds collaborated to craft this masterpiece of an ad, which is unrivaled up to this date.


Sarsi, Angat sa Iba!

Hindi ka ba natatawa o kaya'y nagtataka
Ganun nga ba talaga pare-pareho na lang ba
Minsan ako nagtatanong bakit nagkakaganoon
Umurong man o sumulong
Ang nasa harapan mo'y iyon at yun.

Uulan, aaraw
Lulubog, lilitaw
Isipin mo mang maiba, yun pala'y katulad rin nila
Huwag na nating piliting tumulad sa ating katabi
Pwede namang maiiba, paminsan-minsan ay baguhin

Mag-Sarsi ka para maiba
Pagkakataong umangat sa iba
Mag-Sarsi ka para maiba
Dahil may pagpipilian ka
Di ba magandang isipin
and di mo pagsasawaan
Di ba magandang isipin na di ka pipilitin

Mag-Sarsi ka para maiba
Pagkakataong umangat sa iba
Mag-Sarsi ka para maiiba
Dahil may pagpipilian ka
Sarsi, angat sa iba

Sunday, January 16, 2011

Kulturang Pinoy: Santo Nino

Kaninang umaga ay na-"trap" ako sa kahabaan ng Rosario Ave. sa lungsod ng Pasig. Pangkaraniwan ay mag-iinit ang ulo ko dahil malamang dahil ito sa trapik o di kaya may nasairaan o may nagbangaan lalo na't mahuhuli na ako sa pagpasok sa ospital. Ngunit matapos ko usisain ang puno't dulo nito, ang pagkainis ko ay biglang napalitan ng pagkagalak, sapagkat may mahabang prusisyon pala ng mga Santo Nino sa daang ito. Andaming tao bitbit-bitbit ang kani-kanilang mga imahen ng Santo Nino. Doon ko lamang napagtanto na pista nga pala ng mahal na poon ng Santo Nino.


Santo Nino de Cebu
Ang imahen ng Santo Nino ay marahil pinakaunang imaheng Katolika dito sa Pilipinas. Ayon sa kasaysayan, ang mananakop na si Ferdinand Magellan ay may dala nito nung sya ay dumating dito noong 1521 nang ipinalaganap nila ang Kristyanismo dito sa Pilipinas. Ang imaheng ito ay iniregalo niya kay Reyna Juana ng Mactan nang ang huli ay binyagan bilang Kristyano. Noong 1565, sinadyang sunugin ng mga Kastila ang malaking bahagi ng Cebu. Ngunit may isang sundalo na himalang nakakita sa imahen ng Santo Nino na naligtas mula sa apoy. Ang imaheng iyon ay kasalukuyang nakalagak sa Katedral ng Cebu. Ito ay dinadayo ng mga deboto at tuwing Enero ay idinadaos ang makulay na Sinulog bilang pagpupugay sa Poong Santo Nino.



Ang debosyon at pagkilala sa Santo Nino ay laganap sa Pilipinas. Bawat tahanan, mga establisimyento at maging sa sasakyan ng mga Katolikong Pilipino ay may Santo Nino sa altar. Marahil ang pagiging kabataan ng hitsura nito ay lalong nagpapalapit sa kanya sa puso ng mga Pilipino. At bagaman mukhang bata at inosente, hindi nalilimutan ng mga deboto ang kapangyarihan at pagbibigay biyaya ng mahal na poon.


  
Santo Nino Sapatero
Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng Pilipinas tulad ng Cebu, sa isla ng Panay, sa Pandacan at sa Tondo. Ngunit di rin pahuhuli ang "Adik sa Santo Capital of the Philippines" na Marikina City. Bagaman hindi kasing-bongga, kasing-kulay at kasing-sagana ng pagdiriwang ng mga  nabanggit, taun-taon ay ipinagdiriwang din sa iba't ibang parokya at kapilya dito sa Marikina ang pista ng Poong Santo Nino. Dito sa aming barangay na Calumpang ay nagkakaroon pa noong mga nakaraang panahon ng Ati-atihan at pagpaaagaw ng mga kendi at mga kukutin sa daan. Naaalala ko ang mga panahon na matino pa ang pag-iisip ng aking lola. Madalas syang magpa-aagaw ng mga kendi mula sa balkonahe ng kanyang bahay. Tapos dun din kami magtatago dahil takot kami sa uling ng mga nag aAti-atihan.


Ngayong taong ito, walang Ati-atihan ngunit meron pa ring pagtatambol, pagpapaagaw ng kendi (at oo, pati pansit na naka-plastic pinapaagaw) at prusisyon ng kay dami-daming imahen ng Santo Nino. Maliit man o malaki, nakadamit magara man o hindi, de-gulong man o wala, may naka-damit prinsipe, may nakapanglaboy, may naka-Spiderman, may naka-pambahay, may nakapang-karnabal....Andami nila. Napa-"anak ng Tinapay" nga ang pari nang makita ang iba't iba at maraming uri ng Santo Nino. Hindi nawala ang pagkilala ng aming mga ka-baranggay kay Santo Nino. Isa ito sa pinakamasayang prusisyon na naganap dito sa amin sa nakalipas na mga taon. At kahit na mas inaabangan ko ang prusisyong pang-Mahal na Araw, ako ay naniniwala na ang tradisyong ito ay di dapat mawala sa mga susunod na panahon.

Ang mga Deboto



Saturday, January 8, 2011

Kulturang Pinoy: Nuestro Padre Jesus Nazareno ng Quiapo

Bukas ay inaasahan natin na dadagsain ng maraming Pilipino, mayaman man o mahirap, may katungkulan man o wala, ang Basilica Minor ng Nazareno ng Quiapo sa Lungsod ng Maynila upang muling ipakita ang kanilang taimtim na debosyon sa imahen ng Itim na Nazareno (Black Nazarene). Maaaring ang pakikilahok sa taunang tradisyong ito ay lubhang mapanganib para sa ilan ngunit tila yata hindi sila mapipigilan sa kanilang panata sa Poon ng Itim na Nazareno. Tunay ngang ito ay isa sa mga pinakamalaki at pinakaaabangang kapistahan dito sa Pilipinas
January 9: Kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno ng Quiapo

Pagdagsa ng mga Deboto

Ang imahen ng Itim na Nazareno ay nagmula sa bansang Mexico at dumating sa Pilipinas noong ika-17 siglo. Ang pagkakaitim nito ay bunga nang pagkasunog nito habang ito ay ibinabiyahe sa isang barko ng mga Kastila. Sa kasalukuyan ito ay nakalagak sa Basilica Minor ng Jesus Nazareno. Ang naturang basilica ay orihinal na nakapangalan kay San Juan Bautista ngunit dahil sa mga himala at sa debosyon ng tao sa Poong Nazareno, ito ay naipangalan at iniaalay na sa Kanya. Ang taunang prusisyon na taun-taong ginagawa sa mga hayag na lanangan ng distrito ng Quiapo sa Maynila ay nilalahokan ng milyung-milyong tao bilang pagpugay sa Poon. Ngunit dapat ding banggitin na ang ipinuprusisyon na imahen ay di talaga ang orihinal na imahen na mula sa Mexico. Nakagawian na ang katawan lamang ng orihinal at ang ulo ng isa mga replika ang inilalalabas tuwing prusisyon. Ang tanging pagkakataon na inilabas ang ulo at katawan ng orihinal na imaehn ay noong 2007, nang ipagdiwang ang ika-400 na taon ng imahen. Ngunit ang katotohanang ito ay hindi hadlang sa kanilang debosyon.

Panata sa Poon

Ang debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Poon ng Itim na Nazareno ay marahil bunga ng pakikiisa ng masang Pilipino sa paghihirap ni Hesukristo. Ang kahirapan at mga pagsubok na nadarama nila sa buhay ay naihahahlintulad nila sa paghihirap na dinanas ni Kristo nang buhatin niya ang Krus ng kaligtasan papuntang Kalbaryo kung saan tinubos niya ang sanlibutan. Ang pakikilahok sa mapanganib na prusisyong ito ay maaari din bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga himalang naidulot ng Poon ng Itim na Nazareno.

Nuestro Padre Jesus Nazareno

Ako at ang aking ina ay may malaking pagtanaw din sa Poong Nazareno dahil noong ako ay sanggol pa ay nagkaroon ng anomalya sa aking bumbunan at muntikan nang operahin ang aking ulo na maaaring nakapagdulot sa akin ng pangmatagalan at permanenteng komplikasyon sa utak at pag-iisip. Ngunit dahil sa pagdarasal ng aking ina sa Poong Nazareno, napagtanto ng aking mga doktor na himala na naging maayos naman ang aking kondisyon at di na nangailangan pa ng operasyon. Mula noon, ang aking ina ay naging deboto ng Poong Nazareno. Nakagisnan ko na rin na sumama sa aking ina sa pagsisimba sa Quiapo tuwing Biyernes ng umaga noong ako ay bata pa. Nagbago man ang panahon at naging abala man kami sa araw-araw na buhay, na naging hadlang sa amin upang ituloy ang aming panata, hindi namin ni kailanman nakakalimutan ang himalang naidulot sa akin ng Poong Nazareno. Hindi man kami nakakapunta na sa Quiapo ngayon at hindi man kami lumalahok sa prusisyon, kami ay taimtim pa ring nagdarasal sa ngalan ng Poong Nazareno.

Sana ay makamit din ng ibang deboto ang himalang naidulot sa amin ng Mahal na Poon Nazareno. Wala namang imposible basta't may panananalig at pananampalataya.
Ang Pagbisita sa Marikina  ng isa sa mga replika mula sa Quiapo noong Pebrero 2010
Nuestro Padre Jesus Nazareno, Sinasamba ka namin, Pinipintuho ka namin, Aral mo ang aming Buhay at Kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno, Iligtas mo kami sa kasalanan. Ang Krus mong kinamatayan ay sagisag ng aming Kailigtasan
Nuestro Padre Jesus Nazareno, Dinarangal ka Namin, Niluluwalhati ka Namin